Wednesday, September 09, 2009

And I Love You So...

Sabi ng SM, they've got it all for me.

Mukhang false itetch.

Notz and I used to go sa Pasig Market for our weekly palengke. Ang kaso, pag tinanghali kami ng gising, wala na kaming naaabutang tilapia. And nasstress akong magsimba sa Pasig Cathedral kaya naisipan namin na sa Megamall na lang mamalengke at magsimba at magdate. At least, 1 lugar lang, kaya namin gawin lahat ng isang puntahan lang.

SM supermarket is heaven. Kung wala kaming weekly budget, malamang naiuwi ko na ang supermarket. Hehehe. Andun na kase lahat. Except for the bigas and longganisang macao na super mahal, everything else, dun na kami bumibili.

Ang kaso, about 2 months ago, kelangan na namin magreplenish ng toothpaste. We are both Colgate person so mejo nadissapoint kami nung wala kami nakitang any Colgate variant nung Saturday na yun. As in kahit isa wala. Puro Pepsodent na ang nakalagay dun sa dating kinalalagyan ng Colgate. I asked si Ate Close-up, sabi nya baka daw naubusan lang ng stock.

The next week, wala pa din. Pero nung pumunta kami sa Watson, meron naman.

The following weeks, tuwing dadaan ako sa isle na yun, i always check kung me Colgate, nada. Colgate is a big brand so imposibleng ilang weeks na and wala lang stock. And besides, meron sa Watsons.

About a month ago naman, kelangan na namin bumili ng Axion dishwashing liquid - Calamansi flavor. You guessed it right, wala na din. Tama ba naman yun?

Ano kaya ang nangyari?
Na-And I Love You So? rin kaya ang Colgate at Axion products sa SM Megamall Supermarket?
Alamin.

Hehehe.

update: axion pala is also a product of colgate-palmolive. matingnan nga sa sabaday kung me palmolive pa din sila...

Monday, August 31, 2009

up to the sky... up to my heart...

hehehe... cheesy ng title.

anyways, notz and i both forgot about the 28th. hehehe. dahil siguro sa naka-focus kami ngayon sa bahay, nakalimutan namin na 6 months na kaming kasal. usually, days before nagpa-plan na ako bout that day, pero last friday, as in wala talaga. hehehe.

so yun, para makabawi, we agreed to watch UP sa ultra 7. pagdating namin dun, district 9 na yung palabas. so we went back to city mall to catch the 8pm showing. super haba ng pila and nung turn na namin, wala ng seats. ogi di ba? to think na 2-3 weeks ng palabas yung movie, dami pa rin nanonood.

so dahil gusto ko talaga manood, gumawa ng way si notz. hehehe. and true enough, after seeing the movie, tama nga lang na puno ang mga sinehan. it's one move na dapat mapanood ng lahat.

i love animated movies. though usually pag kulang sa adventure yung pinapanood ko, i tend to get bored and di ko na natatapos yung movie (like shark tale) hehehe.

and yung video montage of carl and ellie really hit me. as in, umiyak ako.



hay... kakakaiyak. dami ko tuloy naisip. as usual, madami ako maiisip. hehehe.
yun, if you haven't watched the movie, try to catch it. maganda talaga sya. cross my heart =)

Saturday, August 29, 2009

the saga ended...

i think the saga ended 2 weeks ago. i didn't bother asked. nakita ko na lang yung proof.

isa lang natutunan ko. saying something is one thing, actually doing it is another thing. yung pagbibitaw ng isang promise just to appease your customer, just to make her stop complaining, just for her to put down the phone, doesn't help. kung di mo gagawin yung sinabi mo. lalo lang silang magagalit. maiinis.

although admittedly, talo rin ako sa saga na to kase nagpa-stress ako.

i am just compiling the steps. kahit tapos na yung business ko with them, i think i have to share my experience. para na rin sa mga taong kasalukuyang naghihintay. at least they have an idea. at least alam nila na it really does happen. at least kahit sila e mabawasan yung stress.

yun lang.

Tuesday, August 11, 2009

how you doing?

nahawa na ko ke joey... hehehe. pano puro FRIENDS marathon kami ni notz for the past, errr... 2 months. adik. di bale matatapos na. Apprentice naman.

so how am i doing nga ba? its been a while since my last post. last was july 18 de vash? we start with...

july25.
Paul's send off party - Elbow Room, Ortigas

He was re-assigned to Costa Rica. As his despedida, people from the office planned a surprise party for him. We just have to leave early kase me lakad pa kami the next day. Eat and Run. hehehe.

I don't have decent pictures with him. Nakuntento na lang kase kami ni Rhodz umupo sa likod and pig-out. Hehehe.



july28
Ms. May's Bday treat - Something Fishy, Libis

We left the office around 11. Ang kaso nahuli kami ng mga nakang-teteng na blue boys na yan. tsk tsk. Anyways, para makalimutan sila, we ate and ate and took pictures and ate again. Hehehe. We went back to the office at 1. Parang walang nangyari. hehehe.






august1
Alvin and Osang's Wedding - NSDG and Wack Wack Country Club

It was raining so hard that day. Notz advised Alvin to do the reverse rain dance. And true nga. Tumigil ang ulan sa mga times na kelangang walang ulan. Osang's walk. Hehehe. Buti pa sya mabagal maglakad. Di tulad ko.

Anyways, as usual, camwhore na naman ang drama namin ni baby.






august11
Rhoda's Bday Treat - Mannang's Megamall

With the usual suspects. Na-miss namin mannang's. Ang tagal kaseng ni-renovate e. Anyways, again, camwhores. Hehehe.




puro celebration no? hehehe. no.
august3
My Tito Ferdie died

2nd to the closest tito ko. 3rd to the youngest nila tatay. I remember him giving me the best gift on my 18th birthday. 1 set ng high class na soldering gun. Straight from K.S.A. Hehehe. The best kase hilig ko nun ang paghihinang. Nah-high ako sa amoy ng tingga.

When I was still in San Roque, sya taga gising ko pag morning. Malakas kase boses nya, so pag punta sya sa bahay para manghing ng plastic bag, nagigising ako. Hehehe.

I remember last seeing him Father's Day. A week after, sinugod sya sa ospital because of very high fever and headache. Meningitis daw sabi ng doctors. After 3 weeks, he passed away. Kaya pala di ako nagp-post ng anything for Tita Cory nun, e dahil me darating na death rin pala sa family ko. Hay. Sadness. Anyways, alam ko, pain-free na sya sa heaven.

Ayun.

Dami ko pa gusto i-post. Pahamak na Facebook yan. Hehehe.

Saturday, July 18, 2009

backread...

yesterday, jeng and i are reminiscing college and talking about crushes. naalala ko tuloy na nung college, walang nagkaka-crush sa akin. so last night before notz and i went to sleep, i asked him kung crush nya ko dati. sabi nya yes. CTG kita dati. hehehe. i asked him why and san nagstart. we were in the same office but on different floors so indi nya ako masyado nakikita. cute daw kase ako sa friendster pics ko. sabi ko, e pano nya naman nalaman na ok ako kung puro pictures daw. sabi nya, he reads my blog. and dun naprofile nya na ok naman akong tao.

so dahil wala sya, i read my blog. starting september 2007 pabalik. hehehe. nakakaaliw. eto yung mga nadiscover ko:

1. i love blogging about food. indi ako food blogger, pero most of my entries e me food angle.
2. mahilig ako sa blind items
3. there was a time pala that i seriously thought of going somewhere, dami ko entries about that. pero dahil sa isang taong itago na lang natin sa pangalang notz, nakalimutan ko yun.
4. wala akong entries sept - dec of 2005, pinakamahabang wala akong entry. and me narealize ako. ambait ni lord. hehehe.
5. i have few but very good friends. iilan lang sila nakkwento ko dito pero sila lang ng sila ang knukwento ko.
6. and my husband ang reason kaya ako nag-bloom. tawa kase ako ng tawa.

Monday, July 13, 2009

though shall not blink...

... from bearwin meiley's magic show.

yan kase nangyari sa akin. in a matter of 2 hours, operada na ako. me experience na sa OR that is. hehehe.

i went to megaclinic around 6:15 to show Dr.Austero the results of my ultrasound last saturday. syempre pila then pasa ko healthcard ko. upo ako in one of their chairs and i was texting notz. nakalimutan ko kase mag babay and i was telling him kung gano kaluwag yung clinic.

then ate nurse called me. tayo ako then ayun. nasabit yung small toe finger ako sa isa sa mga chairs nila. masakit. pag check ko, nadugo. i thought it was just one of my usual sabits. kumuha ako ng tissue and pinunasan ko yung sugat ko. saglet pa lang and basa na yung tissue with blood. pag angat ko ng paa ko, puro dugo na rin tsinelas ko. i called the attention of the nurse and she advised me to see a general surgeon.

pagkita ni Dr. Capistrano ng sugat ko, he immediately decided for a minor surgery. naging OR ang OB ko. hehehe. general anesthesia with 3 stitches. biruin mo nga naman. ang simple simple ng araw ko, me kick pala sa dulo.

so operada na ko in a matter of 2 hours. masakit sya ngayon. i was advised to take drugs. hayzzz talaga. clumsy kase e. ayan ngyayari.

p.s. dami ko gusto sabihin bout intellicare pero wag na. buti na lang mabait talaga si Dr. Capistrano. kung hindi. uuwi akong duguan.

Friday, July 10, 2009

i'll do my crying in the rain....


i learned tonight that patience really is a virtue. and i learned it the hard way.

hmmm. ako yung taong walang pasensya. i hate falling in line. i hate visiting a doctor. basta i hate waiting. nung naging kami ni tonton, mejo nabawasan sya. tinuruan nya kase ako to wait and to give deadlines. say 10 minutes. pag wala then move.

pag labas ko ng building kanina, alam ko na mahihirapan ako umuwi. i spoke too soon.

maaga pa so i decided to walk to tektite. traffic pero siguro mga more than 10 lang naghihintay so isip ko, carry. then it started to rain very hard. sobrang lakas na tumatagos sa payong ko yung ulan. adik. 15 minutes, i decided to move.

lakad ako to alexandra (ata) hoping na me fx from robinsons na maluwag. 10 minutes. wala. move.

lakad just past alexandra hoping na me cab na dadaan. 10 minutes. wala. move.

lakad ako to deped. me crossing united na jeep. sakay ako. after ko magbayad, i realized na di ko kakayanin pag super traffic sa oranbo and kapitolyo and pineda. past mga 10 meters, move. baba ako ng jeep.

lakad ako pa-ultra. isip ko baka madami na bababa dun. and i decided to wait a loooot longer. 20 minutes. kahit cab wala. move.

tumigil ako sa corner ng oranbo drive. usually, maraming bumababa dun. pero today is not a usual day. 5 minutes. move. bilis no, dami ko kase kalaban, so feeling ko hopeless.

wala na ko masakyan, i decided to walk hanggang kung san ako abutin. i was carrying my laptop so alam ko, dadaing ang likod ko and hihinto ako. lakad lang. lakad lang ng lakad.

when i reached canley, time to decide. lalakad ba ako along canley (no chance of getting a ride) or alalakad ako pa-pineda (me chance ng jeep pero ma-traffic)? then, sinagot ako ni Lord. me nakita akong fx. walang signboard pero kulang ng isang pasahero. swerte. sobrang swerte.

total byahe time is 1.5 hours. walking and waiting time, 1 hour.

i'm home. and super sakit likod ko. pero at least me natutunan ako. i should learn to wait and pray. dapat sabay yun.

yun lang.

p.s. hmmm. i think tonight will be all gloomy and rainy.

Friday, June 19, 2009

ano na ang latest?

mag-isa na naman ako ergo magba-blog ako. hehehe.

hmmm, bigo pa rin kami sa project namin ni notz. mahirap pala yun. kala ko as easy as 1..2..3.. indi pala. anyways, based naman sa research e pasok pa sa banga so carry lang. in the meantime, laro muna ako ng loco roco 2.

tapos, me malaking pagbabago sa bahay ni kuya. aalis si lolo. papalitan ni tita. si tita galing sa ibang bahay so di pa namin masyado kakilala. sana ok sya. sana di nya ipagbawal ang pagl-lunch ng 11.30 at pag me-merienda ng 3.30.

dami na pala uma-ahinghing. though thank you kay papa Jesus, 0 yung new cases today. anyways, kaka-praninglang kung me katabi ka sa FX na naka-mask. di mo alam kung syay me ahinghing or protection yun against ahinghing.

me masamang nangyari sa tumatayong ate ko sa bahay ni kuya. hay, delikado na talaga ang pali-paligid ngayon.

had my 1st major laundry booboo the other night. isip kolang kase, yung mga ganun klase tela, hindi humahawa. but maybe because it was my first time na labhan yun, ayun. naging pink yung mga dapat hindi pink kase panlalaki. hehehe. buti na lang naimbente ang zonrox.

yun. magpapaka- imbestigador muna ako.

Tuesday, June 16, 2009

it's time everyone gets their refund... on time


I thought I should write about my saga called "The Tale of the Cebu Pacific Refund". Hekhekhek.

Disclaimer: Kahit anong sabihin ko dito, sasakay pa rin ako ng CebuPac. Mura e. Hehehe.

Feb 2, 2009: I decided to cancel yung flight booking ng brother ko. It's a ticket to and from SG na gamitin nya sana for my wedding. Ticket price is a little less 350SGD. CebuPac's exchange rate is around 35 so roughly 12k yung ticket. Cost of cancellation is 80SGD so mga 2800. Mahal, for something na kinancel mo a month prior sa flight and for something na binook and kinancel online. Wala kayang manpower wasted dun. Anyways, cge na. Sayang naman yung 8k na refund.

3rd Week of March: Sabi kase dun sa site, at least 60 working days yung processing. Tumawag lang ako to check yung status. Di pa kase nagrereflect sa credit card ko. Ang sabi asa accounting department pa.

Last Week of March: Sobra 60 days na. Tawag ako, accounting pa din. I assumed na the next week e matapos na yun sa accounting so mega ask pa ko ng next steps.

1st Week of April: Wala pa din. Asa accounting pa din. Ask ko na number ng accounting dept. They gave me 2 extension numbers. Parehong ring lang ng ring. After a while, ma disconnect. Kainez.

2nd Week of April: Wala pa din. Tawag ulet ako. Reklamo ako about dun sa binigay nilang numbers. Binigyan ako ng "direct line" na daw. Sayted. Tawag ako. Nagring. Mas sayted. Tapos biglang ng "tiiiinnnnnnngggggggg". Putsa, fax machine. Abay lokohan na to.

3rd Week of April: Wala pa din. Syempre tawag ulet ako. Magreklamo na daw ako thru email. Customer something @cebupacificair.com. Nakalimutan ko na address. Nakalimutan nya rin kase ako replayan. Hehehe.

1st Week of May: Inantay kong magreply sa akin si customer something pero akoy bigo. So tawag ulet ako. Me binigay na sa aking name ng manager. Attention ko daw ke Mr. Ivan Gao. Hopes up naman ako kase manaj na yun di ba? Naka ng neknek. Ni-ha, ni-ho wala akong na-receive from Mr. Gao.

3nd Week of May: Tawag ulet. Me binigay ulet sa aking email address. Ine-mail ko syempre pa. And nag-reply agad. So unusual. I thought that was it. Ang reply, log-in daw ako sa customer service site nila and dun ako mag file ng complaint. Enggg. Bat di na lang kaya yun ang pinagawa sa akin nung CSR? Anyways, sabi mg log ng complaint. Log ako. Binigyan ako ng reference number and sabi wait daw ako ng 7 days.

Siguro mga after 4 days, I received an email. Asa accounting pa nga daw. Di na ko nagulat pero mejo na-excite ako. After so many days kase, me sumasagot na sa aking iba except yung CSR. Mega reply ako to ask a few things. Di na sya nag-reply ulet. Pasaway.

Saka ko naisip na automated yung reply na yun. Template lang. Pinatagal lang nila ng onti para mukha namang ni-verify nga yung records ko. I should know. I do email notifications dito sa Oracle. Pangit talaga sila.

1st week of June: Dahil nga wala ng reply si customerservice@cebupacificair.com, balik ako sa dating gawi. Tawag ulet ako. Me binigay na bagong email addresses. 1 diretso na daw sa acctg, cebrefacctg@cebupacificair.com and 1 diretso na daw sa team leaders resateamleaders.cebu@cebupacificair.com.

Si cebrefacctg, nagb bounce back. Si resateamleaders, naka receive ako ng read receipt pero di naman nagre-reply. Sadness.

Naturingang me pwesto na (si Mr. Ivan Gao and yung mga teamleaders) pero di nila alam kung pano mag-handle ng clients nila. I assume, alam nila na binibigay ng CSR nila yung names nila. Mano mang mag reply ng onti. "We will look into this. I will keep you posted". Or "I'm sorry. Because of the number of complaints I am handling right now, I can't attend to your inquiry". Or para simple "Back off, I'm soooo fcuking busy". Tapos. Walang 2 minutes. Alam na ng kliyente na di na sila dapat umasa pa ng reply.

Hay, di ko na alam gagawin ko. Naf-frustrate ako.

Bukas siguro tatawag ulet ako. Madadagdagan ko sigurado tong kwento ko


P.S. sana di mabasa to ni bossing. malalaman nya na nagpapakabusy ako kakatawag ng kakatawag sa cebupac. hehehe.

Monday, June 08, 2009

now showing...

Friday: Problem Child 30
Starring: Mrs. P.

I literally sang "it's my party and I cry if I want to, cry if I want to". Bakit? Cause I'm a bad girl. Bitchy, bratty. Basta very bad girl. Hay. Hehehe.

I really do set expectations. And pag indi na-meet yun. I will cry.

Hay, ilang beses ko nang nasulat tong masamang ugali na to and still. Di ko na nga siguro talaga mababago yun. I was like that eversince, so I guess, mag tame down lang ako ng konti, pero ganun pa din. So sorry baby.

Pero inspite of that, I had a blast last Friday. Saya saya saya ko. Bawing-bawi.

Pics from my birthday party
mr and mrs p

mr p with the problem child

pagaduan's with the problem child

carino's with mr and mrs p

Saturday: Bum and Bummer (our version of Dumb and Dumber)
Starring: Mr. and Mrs. P.

It was raining the whole day, and we were just toooooooo lazy to do anything. Di kami nag market so wala kami makain. Lunch time, carinderia. Dinner, mcdonalds. Kung indi nagp-pc. Natutulog.

Alala ko lang, after lunch (around 2PM), nagrestroom ako. si notz was watching TV. Naisip ko habang ngppray ako sa cr, parang gusto ko ulet matulog. Paglabas ko ng cr, smile ako ke notz. then he said, pasok ulet tayo sa kwarto. Parehas iniisip namin. Tulugan na naman ulet. Hehehe.


si bum.. ako si bummer

Sunday: Hanggang sa Dulo ng Walang Hanggan (Walk the World)
Starring: Mr. and Mrs. P.

We did something nice and it feels good. 1st out-reach project namin ni baby. Di ganun kalaki like the GK project na matagal na namin gusto gawin (na umalis at umalis si notz, e hindi natuloy)

Anyways, un nga, it's a project of UN to raise funds to help the war-affected areas in Mindanao.

Maliit lang yung donation, me free t-shirt and bandana na, tapos maikli lang yung lalakarin. No sweat. Yun nga lang, we got up at 5AM. Bale yun na yung sacrifice namin. Un lang.

Masaya yung event. Lalo na nung namigay sila ng orange and blue balloons. Basta festive yung atmosphere. We just thought na tapos na yung dapat namin gawin halfway nung program so we decided na umalis na.

Anyways, this is the start, hope madami pang ganito =)

portrait by joana

maaangas sa starting line

pa-cute na sa finish line

pinapagalitan ako ni notz, me ginawa ako kasalanan

Friday, June 05, 2009

i wish...

para maiba naman... gawa ako ng i wish for my bday...

1. tamrac velocity 6x

-- nakakuha na ko ng sponsor. bibilhin na lang. yehey yehey. thanks boneilo.

2. microfiber blanket in blue or green

-- abay meron na din. ang saya. thanks to .oracle

3. lastly, a caramel cake from estrel's

-- nuni nuni... wish lang naman. sa qc pa to and inoorder 2 days in advance. hmmm. cge na nga, for my next bday na lang.

p.s.
isa pa palang wish ko e isang healthy na tyan. i am having attacks right now and i am tooooooo sleepy na.

Wednesday, June 03, 2009

XXX


i'm turning 30 tomorrow. and unlike my past birthdays, wala akong plans para bukas. i will just have dinner with my two families (which is a first time so exciting). pero yun lang. yung grand grand plan, wala. eto kaseng asawa ko, ayaw maki-cooperate sa aking pagpa-plano. pasaway. mapalo nga sa pwet mamya. hehehe. tapos, ulan pa ng ulan. so ayan, di ko tuloy alam kung san kami punta bukas.

di bale, we will just go where our stomachs take us. hehehe. and kelangan maipasyal ko na si nikki. parati na lang nam-move yung paggala nya.

anyways, last year i wrote a very lengthy post about my 28th year. di na ko magsusulat ng ganun ngayon. isa lang naman kase ang sasabihin ko e.

i am in my happiest right now. i really really feel that i'm very blessed.
- me work akong parang hindi work
- i have a family na sinusuportahan ako kahit ano decision ko
- i have another mama and papa and brother
- yung mga friends kong anjan parati
- and syempre, si notz ko.

so thank you talaga ke Lord.

di man ako nakalaboy ng sobra sobra last year. di ako nakanood ng madaming sine. nakabili ng tsinelas every month. nakapag F every payday. sobrang ok lang. kase bonggang bongga ang kapalit. ang saya ng wedding namin and we have a brand new micro-fiber blanket. hehehe.

yun. basta. i know ngayon, di ako kuntento. di yung masamang hindi kuntento ha. bad yun sabi sa homily ni father. di ako kuntento kase andami kong hopes, andami kong dreams, i want a lot of things to happen para sa new stage ng buhay kong ito.

ang drama ko, eeewwww. i guess it's the triple X thing that's kicking in. pasensya.

basta Happy Birthday to me, Mrs. P.

O ang galing kong sumayaw
Galing kong gumalaw
Galing kong sumayaw
Galing kong gumalaw
Galing kong sumayaw
Bibong bibo gumalaw

Monday, June 01, 2009

yehey and not so yehey...

we are back online.
makakapag blog na ko ng bonggang bongga.



sa ibang balita, me sakit na naman ang baby ko. kawawa, walang gana kumain. so not him. sana gumaling na sya.



yun lang. bow.

Saturday, May 23, 2009

nikki atbp.

2 days ago, I finally had nikki. I've been wanting to have one ever since but I have other priorities. Me mga priorities pa din ngayon pero it will materialize very soon pa. So while waiting, yahoo. I feel I really meant to have her. I just found her sitting in my lap ng walang kahirap hirap. Happiness!!!!

Anyways, as of now, di ko pa sya masyado nalalaro. Dami kaseng household chores.
Di bale, I have time to explore.
Tonton, ayaw ko magluto this weekend ha.

Sa ibang news, alam nyo ba na careless whisper ang ultimate video song ng baby ko. Ang kaso, iba na naiisip ko pag naririnig ko un ngayon. Tsk tsk. Dapat mo nang matutunan torototin un baby, para ikaw na ulet ang maisip ko. Hehehe.

Next, me nangdededma ulet sa akin. Pangit sya.

Next, 2 APEs na, parating me nakikitang problem sa dugo ko. Pareho namang di nagre-red flag yung pathologists. Ang comment lang, parang kelangan ko pa-check ulet. Di ako nagpapa check. Hehehe.

Next, yung goal namin ni tonton, goal pa din. 3 months na. Hay. Di bale, basta enjoy enjoy lang. We try and we try until we succeed. Anyways, practice makes perfect. And good things come to those who wait. So we will just do it. Bwahaha.

Note: Just this morning. We have decided to hold it off till everything is settled. Ako nag-propose non and he said ok. After 30 minutes, binawi ko. Hehehe.

Next, kaloka lang yung nangyayari sa mga kung san san ngayon:

1. me Influenza A - nakakainis ang Ceelin sa commercial nila for this, manakot ba?
2. me retrenchment - maganda kung matagal ka na, pero kung bago ka pa lang, and iniwan mo yung bago mo work for that company, ay ang saklap
3. me scandals - kawawa sila as in, kawawa. Alam mo yun, yung girls do it because of love, tapos me pervert na gago na egocentric na psycho.
4. me mga taong talagang palamura. salamat at mejo lalayo na sila sa akin.

Ayun lang muna.

Wednesday, April 22, 2009

more energy, mas happy =)

Alam nyo, ang dami ko ng blog entries pero di ko natatapos lahat. Super busy kase dito sa office. Bukod sa meron akong 30-day deadline dito sa bago kong project (1 buong functionality), andito pa bossing namin. So di ba, kelangan magpanggap na nagw-work.

Anyways, di ko alam kung ako lang to, or ganito lahat ng misis. Parang kulang na kulang ang oras ko, naming ni notz together.
Bakit kanyo? Kwento lang ako ha.

Our days starts at 6. Prepare for breakfast. Water the plants at kung ano pang chores. We leave the house around 8.
Work work work.
I go home at 6 and nasa bahay na around 7. Prepare naman ng dinner. Linis ng onti. Laba kung meron lalabhan.
Notz arrives around 8-9.
Dinner, then si notz nag huhugas ng pinggan while I watch TV or play.
By the time na matapos kami ayusin lahat, mag 11 na.
Pagod na katawan, hinihila na ng kama.

The other night, notz said that I was snoring. 1st time in my life ata yun. Ganon ba ko kapagod?
Kaninang umaga, I realized na, for the 1st time, dire-diretso tulog ko. As in 11-5. Walang putol. Ganon ba ko kapagod?

Alam mo yun, ganito ba lahat ng nararanasan ng normal working couples na walang household help.
Iniisip ko, pano pa pag me baby na kami. San na kami huhugot ng oras.
Tsk tsk tsk.
Kelangan ko ata mag enroll sa time management class.
Ayaw kong mag resign sa work kahit napapagod ako, mahirap no. Daming walang work ngayon.
Pero nakakapagod kase talaga.

Or or or. Inom ako ng enervon-C. Para mas happy.

Sunday, March 29, 2009

in sickness...

it's a month after the wedding and he is sick. honestly, natataranta ako. di ko alam ang gagawin. i have never took care of a sick person alone. usually, me katulong ako. ngayon, ako mag-isa.

naiinis ako sa sarili ko kase feeling ko wala ako magawa to make him feel better. naiinis ako sa sarili kase imbis na ako yung maging source of strength nya, ako yung unang nagb break down.

ngayon ko lang kase syang nakitang may sakit. usually, he is the one taking care of me. tapos eto ngayon. flu lang natataranta ako.

hay, i really pray he gets well soon. oks. cge. pray na kami.

Wednesday, March 04, 2009

buhay may asawa

asa taas si notz para gumawa ng magic so naiwan ako dito sa lobby para mag blog, hehehe. me assignment ako pero ayaw ko gawin kaya mag- blog na lang ako.

dito kami ngayon sa bellavista hotel. just finished our breakfast. lunch time, we are off to bohol. weeee.

4th day on being married, ano nagbago? hmmm, actually parang wala pa. wala pang major. nice lang talaga yung feeling na me naka yakap syo while sleeping and you wake up beside him. we were talking about it earlier, and he feels the same way. siguro dahil nga super ok kami dito, ala pang mga domestic issues. siguro pagbalik ng manila. pag yung mag budget na kami and me mga bagay na na pagdidiskusyunan. pero saka ko na isipin yun. now, we are off to enjoy. sayang ala kami dala card reader, di ako makapag post ng pics.

nga pala, we had a wonderful wedding, i think. except for the minor booboos (mali yung gospel ko, nagalit si father. tapos, lumalabas pala ang baby fats ko sa gown ko. tapos, me di ako naisip na mangyayari while we were changing our costumes for the dance), i think it went quite well. thank you sa help ng mga friends namin, we were spared from various glitches ng wedding.

ay ayan na si husbandry. babye na.

Sunday, February 08, 2009

so true...

got this from chuvaness site. and super sakto... hehehe...


MOST IRRESISTABLE - akong ako... hehehe. joke. basta ako to, except yung pagiging VERY loud. la lang. feeling ko naman, mejo tahimik ako. yes makwento, pero indi loud =)

eto, super si notz talaga. lalo na yung "great lovers, when they are not sleeping." bwahehehe. tapos yun pang "can be VERY irritating to others when they try to explain..." ako yung si others. hehehe.

jokeness. basta si notz to. great lover, unpredictable, will exceed your expectations, tsaka yung 3rd decription sa 1st line. yung GREAT. hihihi.

Wednesday, January 21, 2009

my lifeness...

So di ba, march 7 ang repeat ng Eheads concert. Pano kaya yun? Pumayag kaya ang mister ko na imbes na maglinis ako ng bahay at magluto ng hapunan, e manood kami ng Eheads concert? Though alam mo yun, ang sabi ko kse dati e wag lang sya matapat ng Feb28, manonood talaga ako. So di ba dapat tuparin ko yung sinabi ko?

Hay… hay… dagdag pang isipin no?

Ayun, pumayag na si future hubby. Concern lang nya e kababalik lang namin nyan from babymoon tapos laboy agad. Hehehe. Pero alam naman nyang super gusto ko so go. Sana lang mag release na sila ng tickets.

Tungkol naman sa buhay buhay…

Onti na lang mejo mag iiba na ang buhay ko.

Family side, alam ko tanggap na nila, yun nga lang, si nanay, gusto dun kami tumira sa apartment na katabi ng tita ko. Para daw madaling puntahan. Maipaglalaba nya pa ko, maipaglilinis ng bahay. Ano kaya yun? hehehe.

Going smoothly naman ang preps, me bumps lang ng onti. Ay, me isa palang major bump, yes maapektuhan kami pero kaya namin yun for sure. Wag na lang sanang madagdagan.

Hmmm, nga pala, for the past week I have been waking up at around 5 in the morning. Di ko alam kung bakit. Pag gising ko, thought bout the wedding and the life after na agad naiisip ko. I know I have found the right man for me. I’m pretty sure that he will be a good husband and father ke Leanne and Lia. Pero ako kaya? E ang childish ko kaya. Sumpungin pa. Baka isa pa ako sa alagaan nya. hehehe. sabi nya I will be able to adjust naman daw, pero kelan? Hay, is this cold feet? Ang aga ha. Pano pa kaya pag days na lang before the wedding. makatulog pa kaya ako?

Happy thoughts naman. last Friday, I tasted a slice of heaven here on earth. After my pagpaparinigs, narinig din ni Jesus ang aking dasal. Nibigyan nya ako ng chocolates. 1 box galing Leonidas Podium. Hehehe. ansarap sarap. Di ko pa ubos, inuunti unti ko.

Ayun, yun lang. my lifeness.

Wednesday, December 31, 2008

my most precious this year...

my little prince dvd. an almost exact adaptation of my favorite book. from jeng last christmas =)

notz bday gift. digiton and a very thoughtful video presentation =)

notz christmas gift. my very first barbie =)



my small nancy drew collection. 40+ books pa. thanks to bem for 3 and 5. and to chris for 6 and 11 =)


my butterfly e-ring =)


my notz. can't wait for 02.28.09 =)

hapi babay 2008, sayted hello 2009

so december 31 na. oras na para sa yearly recap and list of future plans.
hahahay this is it na talaga.

okish let's start with the recap:

basically, 2008 is a very good year for me. walang major chorva. steady lang. which i am very thankful of.

nangarag lang kami onti kase hinayblood si tatay, 200/something. kaloka. sabi ni nanay, suka sya ng suka at iba na color nya. buti daw nadala ng maaga sa hospital. kundi, di namin alam na nangyari. ang salarin, sugar. super taas ng blood sugar nya. kaya ayun, fish diet sya. ok na sya ngayon. napaganda kase disiplinado na sya and nage-exercise na. kung sana tularan din sya ni mar and ni notz, mas happy di ba?

work-wise e ok naman. involved pa din ako sa bank interface project. nakatapos na kami ng 1 banko, yehey. 6 pa, waaahhh.

ok na din kase dahil sa project ko e 4 times ako nakapag out of the country this year. 3 sa UK, 1 sa US. nakadami ako ng shopping. nakadami din ako ng utang sa card. hehehe.

super a-ok din sa office. specially pag mga 2pm na kase andun na si charrie. hehehe. katuwa yung happy hour namin dun. panira lang yung mga feeling hello dun sa office. kala mo kung sino sila. hay, sana magbago na sila next year.

bahay wise - ay ok naman. kumpleto kami this year nagpasko so happy happy. ala pa ring work si mar. pati si tenten. sana makakita na sila ng work next year.

friendship wise - hmmm, in love ako so as usual, i have seen them less this year. ganun naman kse ako and alam naman nila yun. hehehe. basta happy ako na happy ang mga friends ko, ehem ehem, sino kaya yun? hehehe.

heart wise e mas lalong ok. this year na realize kong lalo na i have made the right decision. na wala na kong gusto pang gawing iba but to marry him. which i am doing a few weeks from now. yiheee.

yun... so ano na ang future action points:
1. be very busy sa preps. less than 60 days na lang so kelangang hassle na. we, actually, i am making some last minute changes. hay sana, indi ito impulse lang. hehehe.
2. be very busy on looking for our home sweet home. sana me makita kami na pasok sa budget but still, malapit sa lahat ng basic amenities.
3. yun nga, less than 9 weeks and i will be mrs. pagaduan. sayted na kami pareho. don't know what's in store for us after the wedding. pero i am with notz naman so no need to worry.
4. device a plan na maging self sufficient ang aking family.
5. live healthy.
6. learn to cook.
7. engage notz and myself sa sports.
8. be a mom.

update ko list ko pag me naisip pa ko.
happy new year everybody.
be safe.

Wednesday, December 24, 2008

so kaka...

tagal kong walang blog a.. babawi ako. hehehe.

... natutuwa ako kse me barbie na ako. christmas gift sa akin ni notz. see, super beautiful.


alam nyo bang never pa akong nagkakaroon ng totoong barbie. di kase namin nun afford. yung mga barbies ko nung bata ako, ja-fake. yung sa gilid lang yung buhok, sa gitna kalbo. nung mejo me pambili na ko and nag-sale sa carrefour sa malaysia, bumili ako ng apat. kaso pinamigay ng nanay ko.

so bale, eto talaga yung first ever barbie ko. thanks notz. mwah!!!!!

… natutuwa ako pag nakakakita ako ng mga guys na ka-age ko pero super young at heart. alam mo yung pag nasa toy kingdom sila and me nakita silang laruan na super gusto nila. pag tiningnan mo yung mga mata nila habang ina-admire yung toy, nakakaaliw.

last sunday, notz and i went to sm centerpoint. pagkatapos naming bumili ng gift para sa parents amin, i asked him kung san kami punta next. he answered “toys”. yung way ng pagkakasabi nya yun, alam mo yung parang bata na nakakatuwa. tapos habang hinahanap namin yung toy kingdom, he keeps on saying ”toys”, nakakatuwa talaga.



and how he spent hours and hours and hours para buuin si brawl and optimus prime nightwatch nya, nakakainis man kse di nya ko pinapansin, deep inside natutuwa ako. and natatawa na rin.
kase parang bata talaga. pinagpapawisan pa sya. hehehe.

i’m just glad na at heart, bata pa rin yung mapapangasawa ko. ayaw ko ng super mature. mabo-bore ako nun.

... natutuwa ako kase kumpleto kami ngayong christmas. last year kase, wala si chris, asa singapore. umuwi sya dito last year and if ever na bumalik sya dun, next year na. so kahit sa new year, kumpleto pa din kami.


chris' bday dinner - c2 classic cuisine @ shang
mar, chris, liz, marge, notz, tenten, kekel, nanay & tatay

alam nyo ba na nanganib na super incomplete kami ngayong christmas? e kse di ba pumunta din ng sg si tenten to try her luck kaso yun nga, dahil siguro sa recession, pahirapan humanap ng work. kaya ayun, balik sya dito. ala pa din sya work dito pero at least kumpleto kami sa pasko.

mejo natataranta lang ako pagdating sa preparation for the big show. pano naman kase, almost 2 months na lang and sabog pa kami. siguro kase matagal-tagal na rin namin syang di nauupuan talaga. super busy kase dahil nga xmas season. daming party party. daming activities.shopping dito, traffic dyan. alam mo yun. di kami maka focus. we both wanted it to be very memorable and very unique kaso yun nga, things are not always how we wanted it to be. some are saying na pabayaan na lang, let it take its own course, pero siguro di pa ko gigive-up ngayon. sa d’day na. ngayon, decided pa ako to do everything na feasible and reasonable to achieve yung goal namin ni notz. anyways, one time lang naman to so bigay na ang isandaang porsyento. tsaka kase nga di ba, we have a small budget, so dapat dadaanin na lang namin sa creativity and production value.

sana lang talaga wag mainis ng tuluyan sa akin si notz. unti unti ko na kaseng nararamdaman ang pagiging zilla-zilla-e-e-e ko. as in. hayz...

yun lang. sa next week na ang ulet. syempre, di pdeng mawala ang aking year-end report.

basta merry christmas ya ‘all.


Sunday, December 14, 2008

behind closed doors atbp...

masama ito. kada makakabasa ako ng wedding kwento, particularly yung story just before i-open yung church doors. tapos yung feeling ng mga brides pag open nung door, naiiyak ako. as in. walang paltos.

pano yan, kwento pa lang ng iba, naiiyak na ako. pano pag ako na. hayz. ayaw kong isipin. magw-worry lang ako sa mascara ko. hehehe.

hmmm, wala namang masyadong happenings sa buhay ko. as you all know, me and notz are busy preparing for d tisoy and tangos show. most of our weekends are spent meeting suppliers, doing this, doing that. its just 11 weeks from the big day and siguro mga 60% ready pa lang kami. me times na pag naiisip ko kung gano na kalapit and kung gano pa kadami kulang namin, mejo nagpapanic ako. pero pag iniisip ko naman, wala namang linggo na wala kaming na-accomplish so ok na rin. financially, i think, we've got our wedding covered, thank God. nga pala, low-budget lang yung wedding namin ha. so yung mga di ko mai-invite, sorry po. pasensya na. 150 guests lang kase. relatives ko pa lang, parang 50 na. hehehe.

as per work, mejo relaks ako ngayon. nakatapos na kase kami ng 1 bangko. 6 banks pa. hehehe. thankful ako sa cost-cutting measures ng company namin kase dahil dun, di ako natuloy sa UK last november.

ako pala yung isa sa punong abala sa isang event sa barracks and sa totoo lang ha, mas nas-stress ako dito kesa sa wedding ko. dami kase pasaway, mejo nakakainis na. sige, given na busy yung ibang taong involved. pero di naman kase kakain ng 5 minutes yung dapat nilang gawin. bat naman yung iba, kayang gawin? di mo naman pde sabihin na di mo sila niremind. hayness.

yun lang. sorry ha, mas gusto ko ngayon mag post sa wedblog namin. hehehe. andun naman kase lahat ng pwede ko ikwento. kase yun lang iniisip ko ngayon. tsaka yung mga bagay na kelangan namin after the wedding.

Friday, December 05, 2008

dahil sa gutom...


from office, i decided to drop by megamall para hanap ng outfit ni notz for tomorrow. and para na rin bumili ng conditioner, chalk, glue and kung anik anik pa. naisip ko bumili ng joey de leon shirts kaso onti lang designs nila dun and alang blue so punta ako monakiki (me mona ka na, me tshirt ka pa). punta rin ako american boulevard kaso ala ako nagustuhan.

super gutom na ako so naisip ko, baba na lang muna at kumain. from 3rd to ground floor, naisip ko na na mag buko shake ako and cheesy beef jamaican pie. sakto ala pila sa buko ni fruitas. in less than 5 min, reaady na buko shake ko. isip ko mag siopao na lang sa henlin since yun ung katabing store nung fruitas, kso nga super nagtatakam ako sa jamaican pie, so kahit sa kabilang dulo sya, go.

ala rin pila sa jamaican pie, ayos. pinatong ko yung juice ko sa counter nila para kumuha ng money sa coin purse ko. and then bigla natapon yung juice ko. accidentaly, pag lagay nung jamakan pie sa counter, napalakas, so enough yun para itumba yung juice ko. pero, i just have to say na maayos pagkakapatong ko. mejo nasa edge pero indi super edge.

nag-sorry si kuya, and sabi bayaran yung juice ko pero i said no. i just asked kung asan yung manager nila. yes, i accepted his apology pero gusto ko lang sana makausap yung manager para sana ma-remind nya yung staff nya na next time, maagdahan dahan and onting ingat. sabi ni kuya. confidential daw.

1. siguro dahil sa word na "confidential"
2. and dahil siguro super gutom na ko
3. and dahil sobrang excited ako sa buko juice with jamaican pie
4. and super layo ng buko ni fruitas kung babalik ako para bumili
5. and walang water dun sa katabing stall...

nag flare-up ako.
i asked for the number na lang ng office nila. confidential daw.
i asked for the number of his manager again. confidential daw.
i asked for his name. confidential daw.

ano kaya yun????!!!!!???? pwede ba yun????
confi daw names nilang lahat ng nagtitinda dun.
so tinanong ko yung name nung service crew sa dunkin donut, sinabi naman.
and me name tag sya.
so tanong ko ulet si kuya, sabi nya confi daw lahat.
e bat yung sa katabi, sinabi.
basta daw bawal. nainis na ako super.
kinuha ko yung fone, tried to get his photo.
cover nya yung face nya sabay tawag sa guard.

pasaway. pinuntahan ko yung guard and asked her anong dapat gawin.
she advised me to file a complaint sa customer service which i did.
i am just not sure kung maaaksyonan yun.
pero at least, ginawa ko yung process.

sabi nga ni notz, they are in the food business, so bakit lahat ng bagay confi.
ano yun, bawal mag complain kse wala kang pagko-complainan?
pano kung me problem ka makita sa mismong food?
or kung rude talaga yung mga crew.

di ako galit sa nangyari. sabi ko nga, i accepted his apology.
naiiinis ako kase bat ganun yung rules nila?
kung totoo nga talaga na all information about their business is private.
so perfect sila kase they don't expect people to compain?

totoo si notz na nagpadaig na naman ako sa emotions ko.
pero kase mali e. mali talaga.
sorry ke kuya, uminit talaga ulo ko.
pano kase gutom na ko.
pero kase, yun pa rin premise ko.
mali yung confi lahat ng info bout their business.

Thursday, November 20, 2008

and the countdown begins...

So 100 days na lang. 100 days na lang akong single.
Waaahhhh. Parang magpapanic ako.
Of course I’m super duper excited sa mga bagong mangyayari sa buhay ko.
Pero alam mo yun, this is it na talaga.
No turning back.
Babay na ang Head of the Family status sa BIR.
Babay na ang home address na Sta. Ana Manila
Babay na ang Ms. Margarita Carino

Pero siempre andami rin namang mga bago.
Saka ko na lang enumerate, sa March 7 na.

Hmm, ano kaya ang mga bagay bagay na gusto kong gawin habang single pa ako?
Me mga bagay pa ba akong di nagagawa?
Knowing notz, alam ko di naman nya ako pagbabawalan gumawa ng mga kung ano-ano na bagay.
Pero syempre di ba, kakahiya kung me asawa na ako, e naglalaro pa ko ng piko at hahabol habulin ko si onemig bondoc.
Isip isip isip.

Gusto kong mag shop till I drop sa divisoria.
Kumain ng buffet sa spirals or sa manila pen.
Videoke with marlon and neil and sherwin and donnel.
Coffee talk with Jeng.

Teka, pde ko naman magawa lahat yan talaga kahit mag-asawa na kami ah.
Iba iba... isip pa.

Hmmm, parang wala. Parang lahat naman ng gusto ko nagawa ko na.
At yung mga gustong gusto kong gawin, I know naman papayag si notz na gawin lahat yun.
Hay cge na nga, countdown na lang ulet ako..
So officially, 100 days na lang.
Mrs. Pagaduan na ako. Bwahaha.
Kawawang notz, me time ka pa to make atras.

Friday, November 14, 2008

si marge...

... ang taklesa
alam mo yung feeling pakatapos kang me sabihin and gusto mo hilahin ng pabalik yung mga sinabi mo? isa akong babaeng taklesa. just yesterday, me sinabi akong bad. di ko napigilan yung sarili ko. me sinabi kasi sya, in return, me kinomment din ako. badness. tapos after nun, di ako matahimik kase feeling ko na-offend ko yung tao. kahit indi naman. kaya ayun, nagmumukha akong super guilty.

... ang iyakin
madali akong umiyak. kanina, nakita ko lang yung bagong commercial ng nestle cream, tumulo na luha ko. di ko lang masabi yung gusto ko sabihin, umiiyak na ko. pagalitan lang ako ni notz, iiyak na ko. basta super iyakin ako. kakaasar na.

... ang sakitin
di na naman ako pumasok. kahapon kase nalipasan ako ng gutom. kase naman, imbes na umukyat na at mag-dinner, inuna ko pang makinig ng reception ideas nung isang boss sa office. tapos dahil nga wala na akong pera pambili ng starbucks (kahit na pera pala ako, di ko rin sya pde bilhin kase bawal), which i am craving for a week now, kinain ko yung chocolate cornetto ko sa ref. pasaway di ba? yun tuloy.

... ang kuripot
di naman masamang tumawad di ba? e kung makakahirit pa ng mas mababang price, why not di ba? sayang din yun kahit super liit. pag-inadd mo, malaki na din yun. tsaka pag sinabi namang last price na, tumitigil n ko. hmmm, di naman siguro kuripot, smart shopper lang. hehehe.

... ang pasaway at di marunong makaintindi at di marunong sumuporta
i deserve a spank. deserve kong pagalitan. hmmm, mahina yata talaga ako umintindi. simpleng bagay, pinapakumplikado ko. bagay rin ata sa akin ang status sa friendster na "i'm complicated". mahiram kaya ke ano yun? hehehe. mabait naman ako e, tska sweet. pasaway lang at praning. pasensya na.

Monday, November 03, 2008

break.. break.. break..

unang break.

notz and i decided to take a "break" from wedding preps. i know, lahat kayo magtataka. kung kelan super lapit na, saka naman kami magpapahinga. ala lang. mejo nakaka-feel na kse kami, actually more on ako, ng stress. di sya dahil sa mga bagay na hindi pa nagagawa, more on sini-stress ko lang talaga sarili ko. hehehe.

hmmm, almost 1 year na rin kase naming plinaplano to, alam nyo yung lahat na lang ng bagay na pag-uusapan at gagawin e for the wedding. just realized na its just a day, yes special sya, pero mas mahalagang pagtuunan ng pansin yung life after that day. yun =)

indi naman kami super tigil, lalo na't madami ng na-sched for this month. pero yun nga, other than those previously scheduled, mejo break muna. take a breather ika nga.

2nd break.

i need a break (again) from work. i mentioned this before to notz. i really need a vacation. doing the same thing for more than a year e mejo nakakasawa na. dagdag pa na nawala yung after office life ko (na oonti na lang nga) dahil 2-11 na ko. i know, challenging yung project ko and super thankful ako for that, pero yun nga, mejo matagal na sya. kahit 1 week lang. ang kaso, kelangan ko i-save lahat ng v.l. ko for february.

dagdag pa na the mere mention of going elsewhere e nakakarinig ako ng contradictions from nanay ko. saka na daw ako gumala, after the wedding na. hello, baguio lang yun ha. kamusta naman talaga yun?

3rd break.

i need to break this one attitude of mine. di sya maganda. promise. kawawa yung taong naapektuhan ng ugali kong yun. though, right from the start naman e pinaalam ko na sa kinauukulan na me ugali akong ganun, and i know super ang effort and patience para lang ma-handle ako as ganung klaseng tao, e talagang hindi maganda. hayness. panu kaya yun? e eversine i can remember, ganun na ko. pachaway.

Saturday, November 01, 2008

pagaya...

You were born in - mandaluyong citeeee...
Spent your childhood in - manila
You went to school in - tomas earnshaw, sta. ana elem school, manila science high school and p.l.m.
Spent your teens in - manila
Had your first date in - hmmm, can't remember. sorry, memory gap. hehehe.
Had your first kiss in - the street... sorry pda
Got totally drunk for the first time in - never pa kong super drunk. super tipsy lang. rachella's wedding reception. sa house nila. after maybe 6-7 shots of gin-orange di kami nakuntento. 1 pitsel (1 ginebra bilog plus water plus tang orange), 2 lang kaming umubos.
Had your first break up in - dencio's metrowalk ata
Drove on your first road trip all the way to - di ako marunong mag drive
Had your first out of town trip without your parents to - davao, 1999. genIIsys implementation
Went to your first trip out of the country without your parents to - malaysia, 2006. for work.
Got your first pad / apartment / flat in - imus cavite
You now live in - manila
Countries you visited and stayed the longest time - malaysia, 10 months
Countries you visited and stayed for the shortest time - pde state? new york, less than 24 hours. ay amsterdam pala, nung nadelay flight ko. 4 hours.
Most countries visited in one overseas trip - 2, Hong Kong and Macau
Got lost in and ended up in - baclaran, we were supposed to go to the church, nakaabot kami dun sa mga motels. hehehe
You would like to have a beach house / cottage / cabin / vacation home in - vacation home, sa liliw laguna or tagaytay. beach house, hmmm, probably palawan or bohol
You will find yourself happily retired and living in - tagaytay
The one place you have to visit before you die - santorini, greece

Tuesday, October 28, 2008

...

i'm just surprised on how mature this relationship can get.
grabe ha. nakakaloka.
one moment drama.
one moment horror.
one moment comedy.

i know, di madali tong pinagdadaanan namin. lalo na kse super praning ako.
ngayon ko talaga sobrang naa-appreciate si notz.
hay, buti na lang talaga hanggang ngayon di pa nagbabago ang isip nya.
papakasalan nya pa rin ako.

salamat notz. sensya na po, praning ako.

Thursday, October 16, 2008

pat, pakopya ha...

Why are you single? - uy indi a...

Have you ever wished you had a different last name? - nope. i luuuuuvvv my surname.

Do you want to be married right now? - yessss.... tagal na. nung april 17 pa.

Do people underestimate you? - hmmm, i honestly don't know.

What are you doing tomorrow? - work, will eat brother's burger wih bacon and sauteed mushroom, then i'll be going out on a date.

Eh bakit k nagsu2rvey?? - bukas pa naman yun e.

Name a quote from the song you're listening to -
"be boy, be my baby"

Have you ever hated someone, but ended up being friends with them? - parang ala pa kong taong sobrang ni-hate.

Did you sing at all today? - yes, on my way to the office.

What side of a heart do you draw first? - left side.

Do you wear a lot of black? - yes.

Do you like orange juice? - no tsaka bawal rin naman sa akin e.

Does your temper flare a lot? - yes.

Do you get emotional easily? - yes.

Do you like to cuddle? - so so so much. so much. so much. kahit alang kiss basta me cuddle.

How many hours of sleep do you need to function? - at least 7.

Last trip you took to the zoo? - ay, matagal na. malaysia days pa.

Did you feel awkward at all today? - no.

Last four beverages you drank? - water, water, water... tsaka water.

You wake up happy today? - hmm, pwede na. could have been better pero pwede. i had around 6 hours of sleep despite having heartburns.

What month were you born in? - june.

Has anyone ever told you that they hated you, seriously? - wala pa. mabait kaya ako.

How often do you take pain medicine? - hihihi. i'm an addict.

Do you sleep with socks on? - pag trip ko.

Have you ever had to go to court? - not yet. and wag naman sana.

How old do you look? - basta me kakasabi lang sa akin that i don't look like someone na magt thirty na.

Are you waiting for something? - yes, feb 28 of next year.

What were you doing at ten last night? - nag-aantay ng confirmation kung matutuloy yung call namin ng 10.30 kagabi din.

Did you cry today? - muntik na.

Do you hate the last person you had a conversation with? - i love him.

Is there anyone who understands your relationship status? - uu, i guess so.

Last person you hugged? - my baby. nung sunday. ang tagal na nga e. kaka-miss.

Did you have a dream last night? - i'm not sure. maybe.

What would I find if I looked under your bed? - mga pantali sa buhok.